Si Bilon? Ay sorry.
Wala na. Sawang sawa na akong magmura sa facebook. Lahat na ata ng pangyuyurak ko sa kapulisan natin nagawa ko na.
Wala na.
Wala nang Agua Bendita.
Wala nang pupuntang turista dito, wala na ang mga koreano. Wala nang KPOP ang pupunta.
Sira na buhay ko.
Hindi na ako mag-aaral.
Hindi na.
Lalaro na lang ako ng SF o CounterStrike. Para sa susunod na may mangyaring ganto, ako na titira sa noo ng hostage-taker kahit mula sa 1000 km radius.
Hay pakyu.

P282.00? Tang ama. Mas malaki pa pala ang kikitain ng isang prostitute sa isang gabi ng pagronda kung ikukumpara sa ilang dekada nilang pagbubungkal ng lupa para sa mga bwakanang panginoong may lupa na ‘yan.
Cojuancos, FUUUUUUUUUUUUUUUUUU
“Magsasaka ako. Wala akong lupa. Huhuhu.” - Farmer
“Shut up loser. I’ll tell my titos and titas to exterminate all of you.” - Noynoy
Bale totoo pala talaga. Kapag sobrang hirap ang utak mong umintindi ng isang bagay, sumasakit pala talaga ito. Ang akala ko kasi dati eksaherasyon lang ‘yun e. Hindi ko pa kasi nararanasan… hanggang mag-test sa Calculus kanina.
Dalawa kami ni Athena. Seat mate ko s’ya. Malamang. Parehas kaming mang-mang. Sa asignaturang iyon lamang. Sana. Edi ‘yun na nga… nagtetest na. E sa hindi naman pagmamayabang e, nakabuo ako ng masterpiece. Paano… nagdrowing lang kasi ako. Nakapagsulat pa nga ako tula tungkol sa Super Sperm. Pati si Athena e parehong kapalaran ang sinapit. Tinatamad kasi kaming mag-solve. Dagdag mo pa ‘yung fact na hindi kami nag-aral. Oo na pareho rin kaming inutil, sige.
Nagsenyasan lang kami.
“Pst. Athena! Magpapasa ka?”
” *iling* Haha! “
“Aylabyu.”
E tapos itong mga katabi naman namin e nakaramdam atang tila bagong imprentang papel pa rin ang mga answer sheet namin kung kaya’t nagpilas ng kap’rasong papel na me sagot. Pakyu sila! Kahit gustuhin ko, di ako nakakopya. Tinamad ako e. Saka naglilibot si Ser. Ayaw ko na rin magkasala. Pero mas matindi yung tremor ng katamaran. Pati yung katabi ko tinamad na rin. Hanggang sa nagbell na nga at hindi kami nagpasa ng papel.
Kung paanong lulusutan ang katarantaduhan ay… bukas ko na iisipin.
May homeworks ngayon. Nilista ko na nga bago ako umalis e. Nilista ko lang. Hindi ko naman intensyong gawin. Para kyut. Pero seryoso, balak ko sanang gawin. Pero sabi ng isang kaibigan ko… di ko naman daw itutuloy.
Di ko nga ginawa. Ambilis pala talaga ng usog.
Pinipilit ko namang magsipag e. Pinipilit ko talaga. Gumagawa na nga ako ng drafting plates ko, e. Last year, wala akong kinilalang Drafting subject.
Pinipilit ko namang magsipag e. Pinipilit ko talaga. Gumagawa na nga ako ng homeworks ko, e. Last year, hindi ko sa bahay ginagawa ang mga iyon.
Pinipilit ko namang magsipag e. Pucha, pinipilit ko talaga! Pero ganto naman ako tuwing first quarter.
Pero sabi nga nila... isang buwan lang aatakihin na naman ako ng sakit ko.
Siguro nga…
Eto na…
Nararamdaman ko na.
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!
Nakana ko to sa School Days. Anime yun kung sa ilalim ng bato ka namalagi nitong huling sentinaryo. O yun na nga… ang sabi dun,
“If you take a picture of the person you like and use it as your cell phone wallpaper for about three weeks without other people knowing about it, things will turn well between you and that person.”
Wala lang. Shinare ko lang. Napakawalang katuturan e.
…
Kaya pala kinuhanan ko ng picture yung crush kong bakasyunista rito sa amin matapos kong malaman yun. Deputa!